Public awareness sa ASEAN, dapat pahalagahan – Ambassador Marciano Paynor Jr.

Manila, Philippines – Nilinaw ni ASEAN 2017 National Organizing Council Director General for operations Ambassador Marciano Paynor Jr. na napakahalaga itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa isasagawang pagpupulong ng Association of South Asian Nation o ASEAN sa Nobyembre 13 hanggang 15 ngayong taon.

Sa ginanap na furom sa Manila, ipinaliwanag ni Ambassador Paynor ang kahalagahan ng ASEAN sa ekonomiya at kabuhayan ng mahigit 100 milyong Pinoy na makikinabang sa pagdalaw ng 21 heads of state bukod pa kay UN Secretary General Antonio Gutierres.

Paliwanag ni Paynor, kung ang isang vendor ay kumikita sa pagbebenta ng 20 stick ng barbeque ng isang araw ngayon umano na may ASEAN Summit ay maaring tumaas ang kita ng kahit 100 porsyento dahil sa dagsa ng mga taong dadalo sa pagpupulong ng mga ibat ibang lider ng bansa.


Giit ni Paynor, ang benepisyong magreresulta ng paglago ng ating ekonomiya mula sa multiplyong effect ng trade relations sa pagitan ng mga member state bukod pa anya sa tariff reduction mula sa importation at export ng mga produkto ng iba’t ibang bansa.

Facebook Comments