Public clamor sa Cha-Cha, peke ayon sa isang senador

Malinaw na hindi Charter Change (Cha-Cha) ang kailangan ng taumbayan mula sa gobyerno.

Giit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, nagsalita na ang mga boss o ang mga Pilipino na hindi Cha-Cha ang kanilang kailangan sa inilabas na Pulse Asia survey kung saan 88 percent ng mga Pilipino ay hindi sang-ayon na amyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Villanueva, dahil mayorya ng mga Pilipino ay tutol sa Cha-Cha, klarong-klaro na peke ang sinasabing People’s Initiative na gusto ng mga tao.


Ang resulta ng survey ay malinaw na indikasyon na hindi kailangang madaliin ang mga pagdinig ng subcommittee on Constitutional Amendments at walang ring pangangailangan na madaliin ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sinabi pa ng majority leader na papunta na sa pagboto ng ‘no’ ang direksyon niya sa Cha-Cha subalit hindi pa niya masabi sa ngayon na nakapagdesisyon na siya at handa pa naman siyang matuto at aralin ang pag-amyenda sa Saligang Batas habang nagpapatuloy pa ang mga pagdinig dito.

Facebook Comments