Cauayan City, Isabela – Matagumpay na isinagawa kahapon ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 kasama ang Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) ang ikaapat na serye ng public consultation kaugnay sa panukalang pagtataas ng sahod sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang ginawang konsultasyon ay para marinig ang mga hinanaing ng mga pribadong manggagawa sa probinsya maging ang mga employer at mga Domestic Workers.
Iprinisenta naman ng DA, DTI at National Economic and Development Authority (NEDA) Region 02 ang ilan sa mga kinukunsiderang batayan sa pagtataas ng sahod ng mga private employees.
Pinangunahan naman ito ni DOLE RO2 Regional Director Joel M. Gonzales at Executive Assistant V, Maria Annie Lynne Mondoñedo at inaasahan naman sa mga susunod na araw ay isasagawa rin sa ibang probinsya ang konsultasyon sa publiko patungkol pa rin sa wage increase.
Facebook Comments