Public consultation sa panukalang dagdag-pasahe para sa mga public transportation, nagsisimula na

Nagpapatuloy ang Public Consultation on PUV Fare Increase ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayong umaga.

Kung saan nakikipagpulong si LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II sa mga Public Utility Jeepneys, Public Utility Bus, TNVs, at sa lahat ng taxi services.

Layunin ng naturang pagpupulong ang ilahad ang mga batayan ng panukalang dagdag-pasahe, mangalap ng komento sa mga komyuter, operator, at driver.

Bukod dito, ang consultation ay naglalayon din ng transparency at pantay-pantay pagdating sa paggawa ng desisyon.

Sinisiguro ng LTFRB na pakikinggan ng ahensya ang saloobin ng mga driver bago ilabas ang desisyon.

Samantala, sa nagpapatuloy na diskusyon, bukod sa taas-pasahe, isa sa mga hinaing ng mga kooperatiba ang mga malawak na paglaganap ng mga kolorum sa kalsada.

Kaya ang panawagan nila, gawan ng aksyon ng ahensya at tuldukan na ang mga kolurum.

Facebook Comments