Hinimok ng Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na konsultahin muna ang publiko, lalo na ang mga motorista, kaugnay sa pagtatakda ng speed limit sa mga pangunahing kalsada sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton ang overspeeding ay isang paglabag sa Traffic Law.
Pero ang tanong aniya, makaka-60 Kph pa ba ang mga motorista gayung ang tindi ng traffic sa Metro Manila. Kabi-kabila rin ang road repairs.
Dagdag ni Inton, isa pa sa mga dapat maikonsulta sa mga motorista ay kung katanggap-tanggap ba o masyadong malaki ang isang libong pisong multa sa mga lalabag.
Nitong nakalipas na linggo, pormal nang inilabas ng MMDA ang utos nito na nagtatakda ng speed limit sa major road sa Metro Manila dahil madalas daw ang mga aksidente, partikular tuwing madaling araw.
Maglalabas muli ng anunsyo ang MMDA kung kailan sila magsisimulang manghuli ng violatorspat kung matutuloy ang pagpapatupad nito sa April 9 dahil magkakaroon pa ng recalibration sa kanilang mga speed gun.