Public consultations ukol sa ChaCha, patuloy na isinasagawa ng House panel

Patuloy na nagsasagawa ngayon ang House Committee on Constitutional Amendments ng “public consultations” ukol sa panukalang Charter Change o ChaCha.

Ngayong araw ay ginaganap ang pagtalakay sa Kingsborough International Convention Center sa San Fernando, Pampanga sa pangunguna ni House Deputy Speaker Aurelio Gonzales na dinaluhan din ng iba pang mga kongresista.

Sa forum ngayon ay nagbigay ng briefing si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo kung bakit kailangang amyendahan ang mga economic provisions sa 1987 constitutions.


Sabi naman ni Cong. Rida Robes, kasado na rin ang public consultation bukas na idaraos naman sa City Convention Center, Barangay Sapang Palay Proper sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Una nang sinabi ni Committee Chairman at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez na ipagpapatuloy nila ang serye ng public consultations ukol sa ChaCha kahit inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi niya ito prayoridad.

Facebook Comments