PUBLIC FORUM UKOL SA HINAING NG BAYAN, ISASAGAWA SA PANGASINAN

Nakatakdang magsagawa ng empowerment roadshow sa pangunguna ng MovePH sa lalawigan ng Pangasinan na may layong maipahayag ang mga problema ng komunidad sa kinauukulan.

Alinsunod sa kanilang #AmbagNatin Engage for Change, maaaring maidulog ang nakikitang krisis sa komunidad, mga hinaing at saloobin, at pagiging kaisa sa solusyon.

Sa mga interesadong Pangasinense, hinikayat na punan ang registration para sa face-to-face session, dahil bagamat bukas ito sa publiko, limitado lamang ang slots.

Gaganapin ang naturang aktibidad sa Lay Formation Center sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan sa October 2, 2025, sa pakikipag-ugnayan sa Archdiocese of Lingayen-Dagupan, at Pangasinan State University.

Samantala, sa kamaynilaan, kasado ang mga protesta ng mga Pilipino upang ipagsigawan ang nararapat na pagpapanagot sa mga taong nasangkot sa isyu ng korapsyon, maging ang pagtataguyod ng malalimang imbestigasyon ukol sa maanomalyang flood control projects. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments