Public health expert, nagpaalala para sa ligtas na mga pagtitipon ngayong holiday season

Inirekomenda ng public health expert na si Dr. Edsel Salvaña na gawin sa outdoor spaces ang mga Christmas party.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Salvaña na mas ligtas mag-party sa labas sa halip sa indoor areas dahil may banta pa rin ng COVID-19.

Ayon sa doktor, maliban sa COVID-19 ay prone sa hawaan ng iba pang respiratory diseases ang mga lugar na maraming tao.


Nagpaalala rin ito sa patuloy na pagsusuot ng face mask dahil pwedeng matyempuhan ng virus sa insidenteng may umubo o bumahing.

Binigyang-diin rin ni Salvaña ang kahalagahan ng pagiging bakunado sa panahong ito hindi lang bilang proteksyon sa COVID-19 kundi maging sa flu at pneumonia.

Pinayuhan naman nito ang mga vulnerable sector na iwasan na lang makihalubilo sa maraming tao dahil masyado aniya itong delikado sa kanilang kondisyon.

Facebook Comments