Nagpaalala ang isang infectious disease expert sa publiko na nananatiling epektibo laban sa lahat ng COVID-19 variants ang pagsunod sa minimum public health standards.
Ito ay sa kabila ng mga ulat ukol sa paglaganap ng Lambda variant o kilala bilang C.37 variant na unang na-detect sa bansang Peru at pinaniniwalaang mas nakakahawa.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, dapat panatilihin publiko ang pagsunod sa public health standards para protektahan ang kanilang sarili kontra sa mga naglilipanang variants.
“The mutations are scary, but the transmissibility and vaccine resistance behavior is not yet a done deal and is still being investigated — despite what certain alarmist articles are proclaiming there is still very little evidence for or against,” sabi ni Salvana.
Sinabi ni Salvana na ang Delta variant pa rin ang mas nakakabahala.
Mahalaga rin aniya higpitan ang border controls at palakasin ang vaccination.