Public hearing at consultation sa minimum wage ng mga domestic workers sa rehiyon dose isasagawa ng LTFRB 12

Nakatakdang magsagawa ng public hearing at consultation dialogue para sa minimum wage adjustment sa mga domestic workers o kasambahay ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o LTFRB 12 ngayong Sept 26 sa Koronadal City.
Ang public hearing ay para lamang sa mga domestic helper at hindi saklaw ang mga manggagawa sa pribadong sector.
Puwedeng dumalo ang mga amo ng mga kasambahay at concerned government agencies.
Ayon kay Departmwnt of Labor and Employment (DOLE )-12 Regional Director Sisinio Cano mahalaga ang public hearing dahil ang resulta ang magiging batayan sa wage adjustment sa mga kasambahay.
Batay sa Kasambahay Law ay nanatili sa 2,000 ang buwnang sahod ng kasambahay sa mga first class cities at 1,500 naman sa ibang lugar.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments