PUBLIC HEARING, ISASAGAWA KASUNOD NG PANUKALANG MAGTAKDA NG SINGIL SA PAGGAMIT NG CONVENTION CENTER AT PROVINCIAL BUS NG LA UNION

Nakatakdang isagawa mamayang alas nuwebe y media ngayong araw, February 26, ang public hearing kaugnay ng panukalang magtakda ng singil sa paggamit ng Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center at mga provincial buses at coasters ng La Union.

Sa inihaing panukala, layunin ng pagtatakda ng rental fees at service charge na suportahan ang maintenance ng mga pasilidad upang patuloy na magampanan ang tungkulin ng mga kagamitan sa publiko.

Nasa P20,000 ang itinakdang singil sa renta ng bus; P15,000 sa coaster habang magkakaiba naman para sa bawat silid ng Convention Center na nasa P1,500 hanggang P5,500 ang singil sa kada oras, maliban pa ang mga kagamitan tulad ng generator, LED Wall at VIP Comfort Rooms.

Samantala, hati ang reaksyon ng mga residente dahil sa umano’y pag-aakala na libre ang paggamit ng mga naturang kagamitan, habang ilan naman ang sang-ayon para sa maintenance sa kondisyon na tumatalima sa itinakdang regulasyon ng LTFRB ang mga bus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments