Isasagawa ngayong araw ng Sangguniang Panlungsod ang public hearing ukol sa taas singil ng kuryente ng isang electric provider sa lungsod matapos itong almahan ng ilang consumers.
Sa SP Resolution No. 7899-2021, “A RESOLUTION CALLING FOR AN INQUIRY TO THE DAGUPAN ELECTRIC CORPORATION(DECORP) AS TO INCREASE IN ELECTRIC RATES FOR PURPOSES OF PUBLIC INFORMATION” , inaanyayahan ang mga kinatawan mula sa naturang electric provider na dumalo dito sa oras ng 10:00 ng umaga upang sagutin ang naturang reklamo ng mga consumers.
Una ng sinabi ng pamunuan nito na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng singil ng kuryente ay dahil sa summer season na madalas ang paggamit ng elektrisidad.
Ang bayan ng Calasiao, Sta. Barbara, San Jacinto , San Fabian, Manaoag at lungsod ng Dagupan ang nagsusuplay ng kuryente ng naturang korporasyon.