Public hearing kaugnay ng planong waiver ng water bills ipinanawagan

Muling nanawagan ang grupong Bagong Alyansang Makabayan sa MWSS na magpatawag ng public hearing kasama ang Manila Water kaugnay ng planong waiver ng water bills para sa Abril.

Ito ay dahil hindi pa malinaw kung paano ipapatupad ang zero bill para sa mga customers ng Manila Water na malubhang naapektuhan ng kawalan ng tubig.

Ayon sa Bayan sa ngayon kasi hindi pa maipaliwanag ng Manila Water kung sino ang “most affected” o yung sinasabing nawalan ng tubig sa loob ng 7 araw.


Pangamba ng grupo baka maging pahirapan para sa mga consumers ang qualification para sa zero bill.

Nais din ng Bayan na i-lahat ang zero bill dahil kulang pa ang bill waiver kung titignan ang kabuuang ginastos at perwisyong dinanas ng mag customers na walang tubig.

Kasunod nito ipinanawagan din ng grupo sa MWSS na patawan ng penalty ang Manila Water na alinsunod sa kanilang kontrata sa pamahalaan.

Facebook Comments