Public Hearing para sa Masterplan ng Lungsod ng Cauayan, Isasagawa na sa lunes!

32

*Cauayan City, Isabela- *Inaanyayahan ngayon ng Pamahalaang Panlungsod ang lahat ng mga nais dumalo sa gaganaping Public Hearing sa lunes para sa masterplan ng Lungsod ng Cauayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sangguniang Panlungsod Edgardo Atienza, ang Chairman ng Committee ng Economic Enterprise and Land Use ng Lungsod ng Cauayan na kanila na itong pinaghahandaan upang maipaalam sa mga residente ng Cauayan ang laman ng masterplan ng Lungsod mula ngayong taon hanggang sa taong 2027.

Aniya, Laman umano rito ang mga plano at proyekto ng Lungsod na ipriprisinta ng mga Technical Working Group kung saan ang mga lugar na pwedeng gawing commercial area para sa mga gustong mag negosyo o sa mga investors.

Dagdag pa niya, kailangan pa umanong aprubahan ito ng Pamahalaang Panlalawigan at muling dadaan sa City Council para sa pinal na Comprehensive Land Use Plan ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments