Ang Public hearing ay culminating activity sa minimum wage review matapos ang pitong public consultations na ginawa sa limang probinsya ng Region 02 na dinaluhan ng 82 empleyado at employers’ representatives.
Ibinahagi naman ng National Economic Development Authority (NEDA) Region 02 ang wage-related economic indicators sa mga kalahok.
Bilang bahagi ng aktibidad, ipinakita ng National Economic Development Authority (NEDA) Region 02 ang wage-related economic indicators sa mga kalahok.
Iniharap din ng mga kinatawan ng mga empleyado at employer ang kanilang opinyon kung bakit dapat o hindi dapat taasan ang minimum wage, na sinusuportahan ng datos mula sa huling dalawang taon ng pandemya.
Hinikayat naman ni DOLE RO2 Regional Director at Board Chairman Joel M. Gonzales ang mga empleyado at kinatawan ng employer na isumite ang kanilang mga posisyon sa minimum wage hanggang Mayo 7, 2022 para sa pagsasaalang-alang ng board.