PUBLIC HEARING SA MINIMUM WAGE NG MGA KASAMBAHAY AT MANGGAGAWA SA PRIBADONG SEKTOR, ISASAGAWA SA LA UNION

Inaanyayahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang publiko na makilahok sa isasagawang public hearing na isasagawa sa San Juan, La Union.

 

Bukas ang aktibidad sa lahat ng manggagawa at indibidwal na nais iparating ang opinyon tungkol sa pasahod.

 

Sa tulong nito, inaasahang mas makabuluhan ang pagdinig dahil naisasangguni at naibabahagi ng mga manggagawa ang kanilang argumento.

 

Bumabase rin ang magiging desisyon ng tanggapan sa mga testimonya ng mga kalahok na manggagawa mula sa kanilang aktwal na karanasan.

 

Inaasahan na magreresulta sa balanseng talakayan ang pagtitipon tungo sa mas kapaki-pakinabang na polisiya sa pasahod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments