Isinagawa ang isang public hearing ukol sa panukalang ordinansa sa Curfew para sa mga menor de edad sa bayan ng Bayambang.
Kaugnay ito sa pagkakatala ng nakababahalang pagtaas ng kaso ng HIV sa bayan partikular sa mga kabataan.
Iniugnay nila ito sa posibleng mapanganib na sekswal na gawain at tinatawag na “hookup culture’ na posibleng nagaganap sa mga oras ng gabi.
Bukod pa rito ay nais rin na maiwasan na masangkot ang mga kabataan sa iba’t-ibang ilegal na aktibidad o di kaya ay maging biktima ng krimen.
Dininig sa nasabing public hearing ang mga suhestyon at opinyon rin ng ilang magulang na dumalo ukol sa nasabing panukala.
Nagpahayag naman ng pagsang-ayon ang ilang magulang dahil makatutulong rin ito upang maiwasan na masangkot sa kaguluhan o kapahamakan sa dis oras ng gabi ang mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









