Public Information Office ng COMELEC, matindi ang higpit sa media sa usapin ng impeachment case ni Chair Bautista

Manila, Philippines – Dumadaan sa matinding screening ang lahat ng media na planong magsasagawa ng panayam sa mga kawani ng COMELEC kaugnay sa Impeachment case ni COMELEC Chairman Andres Bautista na ibinasura na ng Kamara.

Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng gwardya ng COMELEC kung saan hihingan ng ID at papipirmahin sa log book ang mga media pagpasok sa entrance ng COMELEC at pag-akyat din sa ika-8 palapag sa PIO ay papipirmahin din ang media bago magsagawa ng panayam sa mga empleyado.

Paliwanag ng gwardya ng COMELEC, Standard Operating Procedures na umano ng ahensiya na walang VIP treatment ang lahat ng media at ilang mga kilalang personalidad ay sumasailalim sa kanilang procedures.


Marami ang natuwa sa pagbasura ng Kamara sa inihaing Impeachment case laban kay Bautista ngunit kakaunti lamang ang pabor pero ayaw magsalita dahil natatakot silang pag-iinitan ng Ahensiya.

Facebook Comments