Target ng Commission on Human Rights (CHR), kasama ang iba’t ibang organisasyon, ahensya ng gobyerno, at law enforcement agency, na magsagawa ng public inquiry sa red tagging sa mga mamamahayag.
Ayon sa CHR, ito ay upang matutukan nila ang ang naturang isyu, at matukoy kung ang may pananagutan, at kung paano masosolusyunan ang problema.
Sa datos na inilahad ni Jonathan de Santos ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa National Media Forum, nakapagtala na sila ng 19 na kaso ng red tagging sa mga mamahayag.
Isa umano ito sa mga nakakaapekto sa press freedom gayundin sa maayos na pagdaloy ng impormasyon para sa vulnerable sectors.
Nauna na ring sinabi ng CHR na ang red tagging ang nangungunang isyu ng paglabag sa karapatang pantao ng mga media workers.
Bagama’t nagsimula anila ang isyu ng red tagging sa panahon ni dating Pangulong Duterte, hanggang ngayon aniya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ay marami pa rin ang mga reklamong inihahain sa komisyon hinggil dito.