Hindi maaaring walang paki-alam ang taong bayan sa Pangulo ng isang bansa.
Ito ang binigyan diin sa interview ng RMN Manila ni Albay Rep. Edcel Lagman kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala umanong paki-alam ang sinuman kung saan niya gustong pumunta.
Ayon kay Lagman, kahit personal na lakad ng Pangulo at pera nito ang gagamitin, bilang isang mataas na pinuno ng bansa, may public interest pa rin dito ang taongbayan.
Bagamat may mga insidente na hindi ipinapaalam ng Pangulo sa publiko ang lakad nito, sinabi ni Lagman na dapat na maunawaan ni Duterte na kailangan pa rin niya itong isapubliko.
Una nang itinanggi ng Pangulong Duterte na sikretong bumiyahe siya noong linggo sa Singapore para magpagamot.
Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagtataka sila sa motibo ng mga nagpapakalat ng fake news sa kalagayan ng Pangulo lalo na’t nahaharap ngayon ang bansa sa pandemya.