PUBLIC INTERVIEW | Interview ng mga aplikante para sa bakanteng posisyon sa SC, itinakda na ng JBC

Manila, Philippines – Sasalang sa public interview ng Judicial and Bar Council sa Sept 26 ang mga aplikante para sa posisyon sa Korte Suprema

Labing-lima ang aplikante para sa binakanteng posisyon ni dating Associate Justice at ngayon ay Samuel Martires.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra , ex-officio member ng JBC, na hindi na sasalang sa interview ang mga aplikante na sumailalim na sa public interview.


Kasama sa mga aplikante si Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, labing-isang associate justices ng Court of Appeals, Sandiganbayan assocciate justice Alexander Quiros , Tagum City Regional Trial Court Branch 1 Judge Virginia Tejano-Ang at CEU Law School associate Dean Rita Linda Jimeno.

Sa October 1, nakatakdang magbotohan ang JBC para sa shortlist na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon, kulang pa ng dalawang mahistrado ang Korte Suprema.

Facebook Comments