Public Interview Sa Mga Kandidato Para Sa Mababakanteng Pwesto Bilang Associate Justice Ng Korte Suprema, Inumpisahan Na

7

MANILA – Isinalang na sa public interview ng Judicial Bar Council ang mga kandidato para sa mababakanteng pwesto bilang associate justice ng Korte Suprema.Ang mababakanteng pwesto ay iiwan ni associate justice Arturo Brion na nakatakdang magretiro sa December 29, 2016.Kabilang sa mga kandidato na nakahanay sa public interview ng JBC ay sina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta, Rita Linda Ventura-Jimeno, Rowena Apao-Adlawan at Japar Dimaampao.Si Acosta ang unang sumalang sa public interview at tinanong ng mga miyembro ng JBC.Kabilang sa mga isyung naitanong kay Acosta ay ang kaniyang opinion sa Marcos burial at same-sex marriage.Matapos ang panayam kay Acosta, sinundan naman ito ng panayam kay Jimeno at iba pang mga kandidato para sa pwesto.

Facebook Comments