Public interview sa mga nais maging Associate Justice ng SC, itinakda na

Manila, Philippines – Apat lamang sa 20 aplikante sa binakanteng pwesto ni Chief Justice Lucas Bersamin bilang Associate Justice ang isasailalim sa public interview ng Judicial and Bar Council.

Sa abiso ng JBC, ang tatlong na associate Justices ng Court of Appeals at isang associate justice ng Court of Tax Appeals ang sasalang sa public interview sa February 13, Miyerkules.

Sa umaga naka schedule ang public interview kina CA Justices Henri Jean Paul Inting at Jhosep Lopez.


Hapon naman sasalang sa panel interview sina justices Roman del Rosario ng CTA at Nina Antonio Villanueva ng Appelate Court.

Dahil hindi pa lagpas ng isang taon ang pinakahuling public interview sa 16 na iba pang aplikante sa Korte Suprema ay valid pa ito kaya hindi na sila sasalang pa sa JBC Public interview.

Facebook Comments