Public interview sa panibagong mga aplikante sa associate justice post sa SC, itinakda na

Manila, Philippines – Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang schedule para sa public panel interview sa mga aplikante sa mababakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Kaugnay ito ng nakatakdang pagretiro sa July 29 ni Associate Justice Mariano del Castillo.

Sa June 21 ang unang schedule ng public panel interview, kung saan apat na aplikante ang unang isasalang.


Sa June 25 naman isasalang ang walong iba pa habang sa June 26 ang labindalawa mga aplikante kabilang na si Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez.

Sa June 11 naman ang deadline sa sino mang nais magsumite ng oposisyon laban sa mga aplikante.

 

Facebook Comments