Binuksan na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon ang Frisco market na isinara ng dalawang araw ng QC Market Development and Administration Department (MDAD) matapos isailalim sa cleaning at decontamination procedures.
Ayon kay MDAD Operations Head Retired Col. Procopio Lipana, may ilang stall owners at vendors ang nagkaroon ng close contact sa isang COVID-19 positive individual.
Bagama’t hindi isinailalim sa lockdown ang palengke, ganap ng operational ito at ligtas na ang publiko sa pagkalat ng virus.
Regular na rin ang inspection ng MDAD at Task Force on Transport and Traffic Management kasama ang barangay officials sa palengke upang matiyak na nasa maayos ito at protektado ang market-goers.
Bukod dito, tuluy-tuloy rin ang price monitoring at inspection na ginagawa ng lokal na pamahalaan sa mga public market sa lungsod.
Tinitiyak lamang ng LGU na lahat ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay tama at nakakasunod sa SRP o Suggested Retail Price.