Public masses ng Archdiocese of Manila at tatlong iba pa, suspendido dahil sa surge ng COVID-19 cases

Sinuspinde na ng Archdiocese of Manila at Dioceses ng Pasig, Parañaque at Caloocan ang pagsasagawa nila ng public masses mula March 22 hanggang April 4.

Ito ay para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sakop nito ang lahat ng simbahan, kapilya at parokya sa kanilang nasasakupan.


Hinihikayat nila ang mga mananampalataya na manatili sa loob ng kanilang bahay at tunghayan ang mga Banal na Misa sa pamamagitan ng online streaming.

Facebook Comments