Isusulong ng Department of Budget and Management (DBM) ang professionalization ng public procurement sa ilalim ng pinalawak na public procurement specialist certification course.
Layunin ng certificate course na madevelop ang mga kawani ng gobyerno bilang professional practitioners upang mahanda ang kanilang kaalaman sa public procurement at matugunan ang mga sanhi ng mga nabibigong procurements.
Hanggang noong December 2023, nasa 3,775 procurement professionals na ang nakapagtapos sa ilalim ng kurso.
Nilagdaan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang commitment wall kasama ang iba pang state universities at colleges para matiyak ang patuloy na implementasyon ng procurement course.
Suportado rin ito ng mga pribadong institusyon at organisasyon sa bansa.