Isang design studio sa Savannah, Georgia, ang nakaisip na magdisenyo at maglagay ng ilang “Public Punching Bag” para magsilbi umanong labasan ng inis, gigil, galit o frustrations ng mga tao sa Manhattan.
Ginawa ito ng donttakethisthewrongway studio noong dumalo sila sa New York City Design Week 2019.
A design concept for the public that explores designing common spaces for the frustrations we all face. Frustrations that go beyond designed systems and happen, well, because we are human.
The public punching bag offers an outlet for these emotions as a means to maybe develop a healthier way to address personal and collective issues in a public setting.
Ayon sa Gallup poll na isinagawa nakaraang buwan lang, lumalabas na isa ang mga Amerikano sa mga “most stressed people” sa buong mundo.
Matatagpuan ang mga punching bag sa iba’t-ibang bahagi ng Manhattan.