Public safety at law enforcement operations mas tututukan ng PNP sa paghahanda sa Semana Santa

Utos ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos sa buong hanay ng PNP na tutukan ang public safety at law enforcement operations sa darating na Semana Santa simula sa April 10 sa susunod na linggo.

Bilin ni PNP chief sa mga police commander na tiyakin ang police visibility sa mga lugar na tradisyunal na dinadagsa ng mga tao sa panahong ng Semana Santa.

Partikular na pinapatutukan ng PNP chief ang mga istasyon ng bus, paliparan, pier at iba pang transport hubs, at ang paglalagay ng mga Police Assistance Centers (PAC) para umalalay sa mga tao.


Utos ni Carlos sa PNP Highway Patrol Group (HPG) na pangunahan ang paglalagay ng mga PAC sa tulong ng mga lokal na pulis, sa kahabaan ng Maharlika Highway at Philippines Nautical Highway para masiguro ang “road safety”.

Bilin pa ng PNP chief, kasabay ng pag-alalay sa mga biyahero, titiyakin din ng PNP na nasusunod ang minimum public health standards depende sa antas ng alerto ng mga lugar na pupuntahan ng mga bibiyahe sa Holy Week.

Facebook Comments