Public satisfaction rating ng Duterte Administration – tumaas, batay sa first quarter survey ng SWS

Manila, Philippines – Nananatiling “very good” ang public satisfaction rating ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa first quarter ng 2017.

Batay sa latest survey ng Social Weather Stations – 75 percent ang satisfied sa Duterte Administration habang 9 percent ang dissatisfied at ang natitirang 16 percent ang undecided.

Nangangahulugan ito na mayroong net satisfaction rating na +66, mas mataas ng limang puntos kumpara sa fourth quarter 2016 sws survey result na +61.


Ang latest SWS survey ay isinagawa noong Marso 25 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.

Nakasaad din sa nasabing survey na may +66 satisfaction rating and Duterte administration mula sa “masa” o ang class d.

Mas mataas ito ng limang puntos kumpara sa December result na +61.
DZXL558

Facebook Comments