PUBLIC SCHOOL TEACHER ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA LA UNION

27

Nasa kustodiya na ngayon ng PNP ang isang public school teacher matapos itong mahuli sa ikinasang buy-bust operation laban dito sa La Union.

Ang suspek ay nakilalang si Reginald Laroco, residente ng bayan ng San Juan sa nasabing bayan.


Ikinasa ang buy-bust operation laban dito pasado alas tres ng hapon kung saan ay nakuha mula rito ang isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso kasama ang marked money na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments