Magbibigay ang Department of Education (DepEd) ng tatlong buwang halaga ng internet load sa mga public school teachers sa pagpapatuloy ng distance learning dahil sa pandemya.
Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, nagpo-procure na sila ng connectivity load na magbibigay ng 30 hanggang 35 gigabytes (GB) na halaga ng data kada buwan.
Maaari nilang masimulan ang roll out nito sa Hunyo.
Kinakailangan lang aniya na magparehistro ng mga guro sa DepEd Commons para maipadala ang load sa kani-kanilang cellphone.
Sabi naman ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, naglaan ang kagawaran ng P1.2 billion para sa nasabing programa.
Kapalit ito ng naunang plano ng DepEd na magbigay ng P450 load allowance sa mga guro.
Tugon ito ng ahensya sa reklamo ng mga guro na pagsalo sa gastusing may kinalaman sa distance learning gaya ng pag-i-imprenta ng mga module at pagbili ng internet load.