Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na nasa ₱500 financial assistance ang ibibigay sa mga kwalipikadong public school teachers.
Ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, nasa ₱400 million ang inilaan para sa naturang financial assistance.
Sa bawat kwalipikadong guro, sinabi ni Sevilla na magagamit nila ang ayuda para sa pagbabayad ng kanilang medical expenses.
Paliwanag ni Education Secretary Leonor Briones, layunin ng financial assistance na masuportahan ang kanilang budget para sa medical examination at iba pang primary health care benefits na hindi sagot ng PhilHealth sa ilalim ng Universal Health Care Act.
Importante sa DepEd ang kalusugan ng mga guro na siyang humuhulma ng kaalaman ng mga estudyante.
Facebook Comments