Makakatanggap ng dagdag sa kanilang sahod ang mga guro sa pampublikong paaaralan hanggang 2023.
Sa Facebook post, iprinisenta ni Department of Education (DepEd) Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla ang matrix ng salary increases ng mga guro.
Ang mga guro ay nakatakdang mabigyan ng umento sa sahod na nakamandato sa ilalim ng Republic Act 11466 o Salary Standardization Law of 2019.
Hahatiin ito sa apat na tranches – mula sa taong 2020 hanggang 2023.
Ang salary increase ay magiging per Salary grade at nakabatay sa corresponding position.
Sinabi ni Sevilla na ang salary adjustment ay ibibigay kapag mayroong instruction at funding cover mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Facebook Comments