Tiniyak ng Department of Education (DepEd) sa mga Local Government Units (LGU) na mananatiling bukas ang mga pampublikong paaralan para magamit bilang evacuation centers.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ang mga paaralan ay matagal nang ginagamit bilang pansamantalang tuluyan ng mga residenteng lumilikas.
Ang prayoridad ngayon ay ang kaligtasan ng lahat mula sa kalamidad.
Nasa local Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMC) ang desisyon kung kailangang gamitin ang mga eskwelahan bilang shelter.
Facebook Comments