Umakyat na sa 8,027 na mga pampublikong paaralan ang naapektuhan ng pagtama ng magnitude 7 na lindol sa Abra kahapon.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Education Spokesperson Atty. Michael Poa na batay sa initial Rapid Assessment of Damages Report (RADAR), 35 public schools ang nasira mula sa 15 school division offices sa Luzon.
Sa nasabing bilang, 11 dito ay mula sa Central Luzon, 9 sa Cagayan Valley, 8 sa Cordillera Administrative Region at 7 sa Ilocos Region.
Ayon kay Poa, nasa 76 na silid-aralan aniya ang tuluyan nang nasira habang 77 ang naitalang partially damaged.
Bunsod nito, sinabi ni Poa na pinag-aaralan na nila ang pagtatayo ng temporary learning centers para sa mga nasirang paaralan o classroom bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa August 22, 2022.
Pero, sinabi ni Poa na hindi pa nagpag-uusapan ang posibleng postponement ng pagbubukas ng klase dahil sa naganap na lindol
Sa ngayon ay naglaan na ang DepEd ng inisyal na P228.5 million para sa reconstruction at rehabilitation ng mga nasirang paaralan.