Public service at iba pang charity programs ng PCSO, hindi maaapektuhan ng pagpapasara ng mga gaming outlets

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi pababayaan ni Pangulong Duterte ang mga serbisyo publiko at iba pang charity works ng pamahalaan sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kabila ng suspensyon at pagpapasara ng mga lotto outlets.

 

Tiwala si Cayetano na hindi papayag si Pangulong Duterte na masakripisyo ang mga public service ng gobyerno.

 

Tiyak aniya na gumagawa ng paraan ang pamahalaan at handa ang Kamara na makipagtulungan sa gobyerno.


 

Bagamat hindi pa sila na-bi-brief sa kautusan ng Pangulo, mayroon pa naman aniyang mapagkukunan ng pondo para sa mga humihingi ng tulong sa PCSO tulad sa Philippine Amusement and Gaming Corp. O PAGCOR na isa rin sa pinagkukunan ng pondo para sa mga malasakit centers.

 

Hinimok ni Cayetano na huwag munang husgahan agad ang naging aksyon ni Pangulong Duterte dahil marami itong hawak na impormasyon mula sa intelligence.

 

Nakiusap din ito na bigyan ng sapat na panahon ang Pangulo upang maayos ang mga problema patungkol sa korapsyon.

Facebook Comments