PUBLIC SERVICES SA MGA BARANGAY NG BINMALEY, INAASAHANG MAPAPABILIS SA PAGDATING NG BAGONG SERVICE VEHICLES

Kompyansa ang lokal na pamahalaan ng Binmaley na mapapabilis ang koordinasyon at paghahatid ng serbisyo sa mga barangay dahil sa pitong newly-purchased service vehicles para sa iba’t-ibang departamento.

Ayon kay Binmaley Mayor Pedro Merrera, nagmula sa nakolektang buwis ng taumbayan ang pondo sa naturang proyekto na may kabuuang halaga na P8. 370 million.

Inaasahan na mapapaigting ng mga service vehicles ang ugnayan ng gobyerno sa mga komunidad upang mailapit ang iba’t-ibang serbisyo sa mga residente.

Panawagan naman ng lokal na pamahalaan ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga sasakyan upang mas matagal makapaglingkod sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments