Public transpo, mananatiling operational sa kasagsagan ng ECQ sa NCR

Mayroon pa ring mass transportation sa pag-iral ng dalawang linggong lockdown o Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila na magsisimula sa August 6-20, 2021.

Sa presscon sa Malacañang, sinabi ni MMDA Chairman Benjur Abalos na dapat panatilihin ang public transpo upang may masakyan ang mga medical healthworkers at iba pang essential workers na papasok sa trabaho kahit pa ECQ.

Sinabi pa ni Abalos na malaking tulong din ang pampublikong transportasyon sa pagbabakuna lalo pa’t magtutuloy-tuloy ang bakunahan sa National Capital Region (NCR) sa kasagsagan ng lockdown.


Dapat ding mahigpit na ipatupad ang health and safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.

Sa panig naman ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sinabi nito na posibleng 50% ang maging kapasidad ng mga public transpo tulad nang ipatupad ang ikalawang ECQ noong Abril.

Kasunod nito, inaasahan namang maglalabas ng guidelines hinggil dito ang Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments