Public transport modernization program, tuloy —DOTr Secretary Vince Dizon

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tuloy ang Public Transport Modernization Program (PTMP).

Ayon kay Ka-Obet Martin ng Pasang Masda, nangako si Dizon na pag-uusapan ang mga problema upang matulungan ang mga operator na nakikiisa sa programa ng pamahalaan.

Nagtipon-tipon kaninang umaga ang grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Busina at Curoda sa harap ng LTFRB upang ipanawagan at ipakita ang kanilang suporta sa modernization program ng gobyerno.


Iginiit ng grupo na tunay na para sa kapakanan ng publiko at ikauunlad ng sektor ng transportasyon ang programa.

Hindi umano dapat magpadala ang DOTr at LTFRB sa ilang grupo na ginagamit ang isyu para sa pansarili at pampulitikang interes at nanggugulo lamang.

Panahon na aniya na unahin ang kapakanan ng mga pasahero at hanapbuhay ng mga tsuper sa magandang layunin ng PTMP na gawing ligtas, maayos, at makatao ang pampublikong transportasyon.

Facebook Comments