Public Transport Online Processing System, ilulunsad ng LTFRB

153

Ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tinatawag na Public Transport Online Processing System (PTOPS) sa harap ng paghahanda ng bansa para sa ‘new normal’.

Ang PTOPS ay isang sistema na magpapahintulot sa mga transaksyon na gawing online, maliban sa publication at pagdinig.


Sa pamamagitan nito, mapapabilis pa ang paggawa ng serbisyo ng LTFRB at accessible sa stakeholders nito.

Puntirya na maging operasyonal ang bagong sistema sa June 1 ngayong taon, at magagamit para sa mga serbisyo ng LTFRB sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments