Kumpyansa ang Cooperative Development Authority- Public Utility Cluster sa Region 1 na nangunguna at magiging modelo ang rehiyon sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program ng Department of Transportation sa buong bansa.
Sa ginanap na Peace Rally ng dalawampu’t-dalawang transport cooperative sa Ilocos Region, sinabi ni Cooperative Development Authority President Jessie Quiroz na nangunguna ang Ilocos Region bilang compliant o sumusunod sa mga proseso na itinakda para sa programa.
Inihayag naman ni LTFRB Region 1 Regional Director Cristal Sibayan na nangunguna rin ang rehiyon sa may pinakamataas na consolidated transport sa bansa.
Samantala, sa pinakahuling pagpupulong ng Department of Transportation, nagbigay katiyakan si Secretary Vince Dizon na patuloy na dinidinig ang isyu ng mga kooperatiba upang makapagbigay ng solusyon katuwang ang LTFRB. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨