Public viewing para sa burol ni dating DFA Sec. Del Rosario, hanggang ngayon araw lamang

Bukas sa publiko hanggang ngayong araw lamang ang burol ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Ayon sa pamilya ng dating kalihim na binuksan nila ang public viewing kahapon Abril 23 sa burol nito sa Santuario de San Antonio sa lungsod ng Makati.

Maari lamang itong puntahan ng publiko mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.


Magugunitang patungo sana sa San Francisco, California ang dating kalihim nang ito ay atikihin sa puso.

Sinubukan pa itong i-revive ng mga doktor na kasabay nito sa flight subalit hindi na nito nakayanan.

Matatandaan na dumating sa bansa ang mga labi ng opisyal nitong Abril 22.

Facebook Comments