
Sisimulan na bukas December 2 hanggang December 3 ng Bureau of Customs (BOC) ang public viewing sa 4 na luxury vehicles ng mga Discaya na isinasailalim sa auction.
Kabilang dito ang Rolls Royce ng mga Discaya na binebenta na lamang sa halagang ₱36-million mula sa ₱46-million.
Habang ang Toyota Tundra ay binebenta ng ₱3.4-million, ang Toyota Sequioa ay ₱4.6-million at ang Bentley Bentayga at ₱13-million.
Sa press conference sa Independent Commission for for Infrastructure (ICI) ni Customs Spokesperson Atty. Chris Bendijo, sinabi nito na tuloy na sa December 5 ang auction sa naturang mga sasakyang ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Ayon kay Bendijo, sa dalawang araw na public viewing, inaasahan ding magsusumite ng documentary requirements ng mga interesadong buyers









