
Inilabas na ng Publicus Asia ang end-of-year survey para sa 2025 kaugnay sa most favorable senators.
Tatlong miyembro ng mayorya at dalawang miyembro mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng survey.
Nanguna rito si Senator Bam Aquino, na nakakuha ng 54 percent na net favorable rating.
Nakakuha naman sina Senator Kiko Pangilinan ng 47 percent at Senator Risa Hontiveros ng 46 percent.
Pasok din sa top 5 mula sa minorya sina Senator Bong Go na may 42 percent at Senator Rodante Marcoleta na may 38 percent.
Lumahok sa survey ang 1,500 rehistradong botanteng Pilipino, na isinagawa mula December 7 hanggang December 10, 2025.
Ayon sa Publicus Asia, ang survey ay independent, non-commissioned, at gumagamit ng nationwide purposive sampling.
Noong nakalipas na midterm elections, nagtugma ang prediksyon ng Publicus Asia sa nakakuha ng una at ikalawang pwesto sa senatorial race.









