Pinag-iingat ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko laban sa mga fixer at scammer na nag-aalok ng tulong kapalit ng pera.
Payo ng DBM sa publiko na iwasan na makipag-transaksyon sa mga kahina-hinalang indibidwal na nangangako na pabibilisin ang transaksyon sa kanilang tanggapan.
Iginiit ng DBM na ang pagsusumite ng requests para sa Local Government Support Fund-Financial Assistance (LGSF-FA) sa Local Government Units (LGUs) ay magagawa lamang sa pamamagitan ng Digital Requests Submission for Local Government Support Fund (DRSL) na makikita sa DBM Apps Portal.
Ang lahat ng dokumento na isusumite ng LGU sa pamamagitan ng ibang paraan ay “automatically denied.”
Inabisuhan din ng DBM ang lahat na maging mapagmatyag at kaagad na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad para sa paghahain ng tamang reklamo laban sa mga indibidwal na gumagawa nito.
Maaari din i-report ang mga scammer at fixer sa hotline number ng DBM na (02) 865-7-3300.