Publiko at mga ahensya ng gobyerno, hinikayat ng CSC na makiisa sa online job fair

Magsasagawa ng online job fair ang Civil Service Commission (CSC) sa September 18 hanggang 22.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lizada ito ay bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-123 anibersaryo.

Hinikayat ni Lizada ang mga naghahanap ng trabaho na gumawa ng account sa JobStreet.com at puntahan ang kanilang website na csc.gov.ph


Mayroon na anyang downloadable Personal Data Sheet forms sa website kung saan rin makikita ang mga trabahong maaaring apply-an.

Nanawagan rin si Lizada sa mga ahensya ng gobyerno na lumahok sa online job fair.

Paraan rin kasi anya ito para mapunan ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.

Facebook Comments