Publiko, binalaan ng Bureau of Immigration kaugnay ng Online Love Scams

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko kaugnay ng pagkabuhay ng online love scams.

 

Ayon sa BI , karaniwang target ng sindikato ay mga Pilipina.

 

Sa umpisa anila ay kukunin ng nagpapanggap na dayuhan ang loob ng Pinay sa pamamagitan ng pagpapadala ng maliliit na regalo sabay liligawan ito.


 

Kapag nakuha na ang loob ng biktima ay mag-aabiso na ang nagpapanggap na dayuhan na tutungo ng Pilipinas.

 

May kasabwat din ang sindikato na magpapanggap na immigration officer at hihingi ng pera para maayos ang kanyang problema at makalabas ng airport ang pekeng dayuhan.

 

Kapag nakuha na ng sindikato ang pera ay bigla na lamang itong lalaho tangay ang pera.

Facebook Comments