Binalaan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na mag-ingat sa mga renegade priest.
Ito ang mga renegade priest na nagsasagawa ng mga misa gamit ang mga aral ng Simbahang Katolika.
Sa inilanas na Diocese Circular ni Legaspi Albay Bishop Joel Babylon, may mga dating pari ang nagtayo ng Society of Saints Peter and Paul para magsagawa ng sarili nilang mga misa.
Aniya, ang mga ito ay inalis na ng Vatican sa kanilang tungkulin dahil sa pagpapalaganap ng mga maling doktrina.
Ilan sa halimbawa ng mga doktrina ng mga ito ay ang pagpayag na mag-asawa ang mga pari taliwas sa aral ng Simbahang Katolika.
Bukod dito, sila ay hindi na awtorisado na magsagawa ng misa ngunit hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila ito pati ang banal na saktamento.
Sinabi pa ng Obispo, anumang aktibidad ng mga renegade priest na ito ay hindi kailanman kinikilala ng CBCP at ng Simbahang Katolika.