Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko laban sa anumang uri ng scam na may kaugnayan sa pagpasok ng mga foreign national sa Pilipinas.
Nilinaw ng DFA na hindi sila nangongolekta ng “Travel Exemption Fee” o anumang uri ng bayarin para sa hangaring payagan ang mga dayuhan na pumasok sa bansa.
Ayon sa DFA, nananatili pa rin ang paghihigpit ng pamahalaan sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Dapat anilang magabayan ang mga foreign national ukol sa latest advisory ng Bureau of Immigration (BI) kung sinu-sino lamang ang pinapayagang makapasok sa Pilipinas sa panahon ng State of Public Health Emergency.
Facebook Comments